Sunday, March 23, 2008

♥Easter Vigil♥


Oh! Sunoooog!!!:D Tsk! Walang sunog nho !!! It's
just the flame of the lighted bonfire for the coming
Easter Sunday and also in this day March 22, 2008
we have to celebrate the Easter Vigil, it's first thing
the priest do is to light the Paschal Candle in the
bonfire then he will proceed a mass then after how
many min. of lights off, the priest will sing the Gloria
Hymn and their will be light in the whole place.
Gloria Lyrics:

Papuri sa Diyos

KORO:
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!

At sa lupa'y kapayapaan
a mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin (KORO)Align Center

Pinasasalamatan Ka namin
Sa 'Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama (KORO)

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin, maawa Ka
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama (KORO)

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!

No comments: